Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Civil Engineers to Practice Architecture

+50
arlodesign
ciaoriki
ydnarniculac
m_cronin
ARKI_MIMONG
arkibons
alwin
derickboy01
manong_nel
ONCIRE
scorpion21
simplykate
Ar_Can_EVSU
ARIST
3STAN
Rogan
Alapaap
LOOKER
M_Shadows
torvicz
ronzcobella
kurdaps!
anmarj1258
natski08
andy32
i3dness
pakunat
killerBEE
Galaites07
Valiant
micoliver1226
Jay2x
mokong
qnald
Freshman
zdesign
ar_monzter
arkiedmund
benj.arki
zromel
theomatheus
dedspecdam
whey09
julcab
qcksilver
bizkong
Butz_Arki
cloud20
reggie0711
celes
54 posters

Page 2 of 6 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6  Next

Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Civil Engineers to Practice Architecture

Post by celes Tue Aug 09, 2011 4:43 am

First topic message reminder :

http://www.architectureboard.ph/news.php?id=139#main

any thoughts?
celes
celes
Pogi
Pogi

Number of posts : 2958
Age : 52
Location : Singapore
Registration date : 25/11/2008

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by theomatheus Thu Aug 11, 2011 6:13 am

mokong wrote:
theomatheus wrote:ang simple simple naman kasi......
ARCHITECTURAL:only for architects
STRUCTURAL: only for civil engineers/pasalamat nga sila tayo na gumagawa ng structural conceptualization..[/color]
ELECTRICAL : only for professional electrical engineers / baka agawin pa ng civil engineer to
SANITARY /PLUMBING : sa sanitary engr. at master plumber/ baka agawin nila din ito.
MECHANICAL : para sa mga mechanical engineer/ mag ingat nadin kayo baka ito agawin nila ang trabaho nyo..

maraming magagaling na civil engr. pero hindi sa profession natin.. at nakuha nalang nila thru experience like pagbabasa ng plano na gawa ng mga architects..
pag bagong pasa nga na civil engr. hirap nga magbasa ng plano yan....

mas maganda nga mag design competition nalang sa senado..AIRPORT o hospital ang gagawin...close door..site lang ibibigay ng senado at mga 20 x 30 na papel.. tingnan ko lng, hindi kaya ng civil engr kung panu nya umpisahan....

I just drop by to read all your comments here.. I highlighted one of your comment in red.. I have do some high level of respect to our architects.. Hindi po ako against sa sinusulong ng architect ngayon, kung na desisyonan na iyan, fully ibigay sa inyo dahil nararapat naman sa inyo iyan... marami akong kaibigan na architect but what im against is your post (in red).. very exaggerated naman.. show some respect naman dude.. haven't you read your code of ethics? Twisted Evil

zdesign CE ka rin pala.. Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 290602 architects & civil engineers can work together para mapalambo ang construction industry natin.. meron tayong contractor na civil meron din contractor na architect.. kung may project ang architect yung structural papermahan at ipa check nila sa civil, kung may project ang civil papermahan nila ang architectural at ipa check or ipagawa sa architect.. ganun lang naman yun napaka simple.. para wala ng bangayan pa..

i respect naman dude..bakit hanggang ngayon pilit paring ipinaglalaban ng PICE na pwede silang mag practice ng architecture.. at pumirma ng architectural plans??? yan ba ang code of ethics na tinatawag nyo.. maari mong sabihin na exaggerated pero ang pinaglalaban ng PICE like ito..
nabasa ko ito sa isang forum.

para sa architects. which is tama
Architectural Plans/Drawings

Vicinity Map/Location Plan

    • Site Development Plan
    • Perspective
    • Floor Plans
    • Elevations
    • Sections
    • Reflected Ceiling Plan
    • Details, in the form of plans, elevations/sections
    • Schedule of Doors and Windows
    • Schedule of Finishes
    • Details of other major architectural elements

  • Plans and Specific Locations of Accessibility Facilities
  • Fire Safety Documents
  • etc.
para sa mga civil engineering...( hindi naman daw nila ginagamit yung architectural word)

Building Plans

  • Perspective
  • Floor Plans
  • Elevations
  • Sections
  • Reflected Ceiling Plan
  • Details, in the form of plans, elevations/sections
  • Schedule of Doors and Windows
  • Schedule of Finishes
  • Structural Plans
  • Site Development Plan Structural Analysis and Design Boring and Load Tests Seismic Analysis Other related documents
..kung iintindihin mo dito sir yan ba ang ibig sabihin ng BUILDING PLANS???? masyadong general yan.. ang building plans na tinatawag: ay complete set of plan ng structure likes architectural, structural, sanitary, electrical, mechanical, interior...etc(kaya ko nasabi yun)
and kung ang kine claim ng PICE ay yung Building plans at nakaindicate sa taas yung ibig sabihin nila sa buildiin plans.. bakit wala akong makitang perspective, floor plan, elevation,sections atbp. sa curriculum ng CHED for civil engineering course..

ito ipapakita ko sau yung curriculum nyo..

ito ang scope ng engineering subjects... just to refresh your memory kasi baka akala mo architecture ang kinuha mo.

engineering drawings (1 sem lang yan)
mathematics (marami kayong math alam ko yun)
chemistry
physics
surveying (magaling kayo diyan)
building systems
structural (ie mechanics, theory of strucures, etc.) (napakarami nito alam ko at alam ko rin na napakagaling niyo dito)
hydraulics
basic electrical engineering for CE
basic mechanical engineering for CE
sewerage and drainage engineering
water supply engineering

traffic & highway engineering
transportation engineering
construction methods, materials
civil engineering laws
geotechnical engineering
construction project management

ito naman ang sa architecture

graphics (3 sems) ie. perpective, isometric, etc... (major)
architectural visuals (4 sems) (pagrerender and pagpresent ng plans) (major)
mathematics (3 units lang kami)
history of architecture (4sems)
theory of architecture (3 sems)
physics
ARCHITECTURAL DESIGN (10 sems) (MAJOR) (andito yung ginagawa nyong architectural plans na ginagawa niyo na hindi kasama sa curriculum niyo)
architectural interiors
tropical architecture
(wind direction, sun path, landscaping, etc... pinag-aaralan namin para
maging maaliwalas ang pakiramdam ng occupant ng building)
BUILDING TECHNOLOGY 1,2,3
ie. building materials, construction drawings (details) of wood,
masonry, steel, concrete, etc..., lahat ng klase ng construction (MAJOR) (kasama ang structural plan niyo)
psychology (meron din kami nito) Smile
BUILDING UTILITIES ie. sanitary, plumbing (MAJOR) (paggawa po ng plumbing ang sanitary plans ito plus materials and details hindi basta basic lang)
surveying (meron din kami niyan)pero mas magaling kayo dito
STRUCTURAL DESIGN ie. mechanics, theory of structures, etc. (madami din to pero 3 units lang) idol namin kayo dito nagkakaregla ang ilong dito.
SPACE PLANNING
BUILDING UTILITIES 2 (mechanical) (MAJOR) (paggawa ng mechanical plan, materials, pati parts ng elevator at escalator kasama dito, hindi basic)
urban sociology
BUILDING UTILITIES 3 (acoustics and lighting system) (MAJOR) (electrical plan po gumagawa rin kami pati acoustics, hindi rin basic)
PROFESSIONAL PRACTICE (MAJOR)
BUIDING TECHNOLOGY 4 (ALTERNATIVE BUILDING CONSTRUCTION SYSTEMS) (MAJOR) (kasama na naman ang structural plan niyo)
research methods for architecture
BUIDING TECHNOLOGY 5 (specifications writing and estimate) (MAJOR) (parang wala yata kayo nito? di ko sure ha baka magalit ka naman eh.. hehehe..)
theory of structures
STRUCTURAL DESIGN OF STEEL & TIMBER
PLANNING (site planning, urban planning, landscape design, etc..)
STRUCTURAL DESIGN OF REINFORCED CONCRETE
BUILDING SYSTEMS
STRUCTURAL SYSTEMS..

im sorry dude ah.hindi tayo magkaaway.tama sinabi mo na dapat magkasundo ang architect at civil. pero idol kita sa mga rendering mo hindi na maaalis yun. peace tayo. Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 808695 .alam ko naiitindihan mo yung kalagayan namin. yung mga board of civil engr lang ang hindi .c Zdesign idol ko rin yun....im sorry bro kung nasaktan ko kayo.. Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 290323

theomatheus
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1387
Registration date : 06/07/2009

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by mokong Thu Aug 11, 2011 7:27 am

Ang sinusulong na building plans dude ng ce is yung perpective, elevation, vicinity, floor plans, they never mention sanitary, mechanical or electrical plans.. these building plans ay iyong dati pa na sinusunod natin na both ce and archi pa puwede makapirma.. sa dati pa noong wala pang IRR ang PD1096 ok pa ang building plans sa ce, meron ka bang instance nagpirma ang ce ng electrical, mechanical or plumbing noon? Iba yata pagka intindi mo kaya nasabi mo na kukunin ng ce ang electrical, plumbing, etc...

I dont care sa building plans na yan sa akin lang huwag mo naman sabihin kukunin namin ang ibang profession coz before pa building plans na yan ang never kami nagpirma sa ibang profession.. alam ko dude ce kinuha ko alam ko curriculum namin hindi naman tayo diyan nag dedebate eh.. respeto lang naman sa akin hindi lang naman lahat dito archi eh.. kung magbigay man lang ng thoughts or insights sa pinost ni sir celes, yung hindi paglalait sa aming profession or ibang profession because meron tayong code of ethics... Kung ano man ginawa ng ce ngayon, hindi mo masasabi na walang code of ethics ang ce. Dahil dati pa both ce and archi puwede pa pumirma and besides may issue kaya huwag mo sabihin walang code of ethics.. i hope nakuha mo yung point ko.. i rest my case...
mokong
mokong
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1926
Age : 41
Location : Nagoya, Japan
Registration date : 02/03/2009

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by Jay2x Thu Aug 11, 2011 8:50 am

kung natatandahan niyo yung sa red alert .engineers captures the blue print ika nga,....
.
.yung ininyerong ng nagsusulong nitong advocacy na to... napaka "sakim at napaka underground pinoy ng budhi!
Jay2x
Jay2x
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 743
Age : 37
Location : Pampanga
Registration date : 09/11/2008

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by theomatheus Thu Aug 11, 2011 8:55 am

eh ano tawag mo ngayon sa architectural eh gusto parin pumirma ang mga civil engineer.. eh na resolve na yung dati pang problema ng arki and c.e dahil sa R.A 9266

pero ngayon ito nanaman.
ARCHITECTURAL: only for architects/ ingat na tayo inaagaw na ng mga c.e gusto na nilang pumirma...
and kung babasahin mo sa comment ko dude may BAKA agawin kasi nga inaagaw na sa amin.. sorry kung sobrang nasaktan ka dito o naging exaggerated sayo..(aaminin ko exaggerated nga)
(kita mo naman may nagcoment si zromel)i dont know kung totoong nangyari na..

and hindi ko nilalait ang profession nyo dapat alam ang side ng c.e. bilib ako sa mga civil lalo malulupit sa staad kasi karamihan na kamag anak ko at barkada ko civil engineer.. kaya ko pinakita yung curriculum dahil dyan makikita na sa amin lang ang architectural at sa inyo ang structural... alam ko maraming hindi archi dito at hindi sila kasali sa isyu na ito.respeto lang.ang gusto lang naman namin yung pipirmahan ni juan dapat kay juan at yung pipirmahan ni pedro dapat kay pedro...ang issue ngayun yung pipirmahan ni juan gusto sumingit ni pedro... Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 290323
theomatheus
theomatheus
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1387
Age : 41
Location : planet obsidian panopticon
Registration date : 06/07/2009

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by micoliver1226 Thu Aug 11, 2011 10:46 am

sa usapin ito..dapat hindi lang kasi ce ang nasisi naman,kailangan din may strict rules sa mga city halls(building dept)alam naman ng mga building officials na hindi pwede pumirma ang ce sa mga architectural plans o documents at hindi naman pwede ang archi sa structurals..kung hindi signed or stamped ng isang registered arki/engr ang bawat dokumento dapat hindi inirerelease ang building permit..kung walang malinaw na law tungkol dito e di ano pa ang gagawin ng ce para kumita e kaya naman nya ang trabaho at kung meron man pero hindi naman mahigpit na ipanatutupad(lagayan)..sa hirap ba naman ng buhay ngayon(malapit ng mawala ang salitang code of ethics lalo na kung kumakalam ang sikmura)law enforcement nga e pasimuno ng pangingikil..bottom line..sisihin din ang city hall..para sa kin lang ito mga sirs
micoliver1226
micoliver1226
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 619
Age : 44
Location : ilokos
Registration date : 10/02/2011

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by whey09 Thu Aug 11, 2011 12:25 pm

I do have a question, out of curiosity lang, marami ba talagang CE na pumipirma ng mga architectural plans? Wala pa kasi akong na encounter, san usually nagyayari ito? sa city hall ba? mga city engineers ba madalas gumawa nito?

kasi sa napapansin ko ngayon, owners are educated enough na, what I mean is, kapag magpapa design sila ng bahay or anything, first choice nila talaga is an architect or an interior designer, second choice is a graduate of architecture na hindi pasado, then papa pirma nalang sa architect, parang wala na sa choice nila ang CE kasi nga alam nila na konti lang ang background nila sa design,

another question, ano pala reason ng mga CE kung bakit nila gusto magsign or practice ng architecture?
whey09
whey09
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1869
Age : 42
Location : Quezon City/ Pampanga
Registration date : 02/10/2008

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by Valiant Thu Aug 11, 2011 1:39 pm

CE wants to be the Prime Professional of the Construction Industry as per PRBOA
pwede n'yong madownload ang kabuuan ng usapin dito >>> http://www.architectureboard.ph/uploads/1312245751-CE.SB2770.Sen.Lacson.doc
Valiant
Valiant
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 927
Age : 103
Location : Aisle of Man
Registration date : 25/03/2010

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by Galaites07 Thu Aug 11, 2011 6:24 pm

the title of this thread is very provocative. (imho)
para rin itong architectural graduate practicing interior design.(just another point of view)

PRBoA part of letter
THE CURRENT SENATE MEASURE (SENATE BILL 2770) SUBTLY SEEKS TO VEST CEs WITH THE EXCLUSIVE PROFESSIONAL PRIVILEGE OF PREPARING, SIGNING AND SEALING ARCHITECTURAL DOCUMENTS I.E. ARCHITECTURAL PLANS, SECTIONS, ELEVATIONS, SPECIFICATIONS, ESTIMATES, DRAWINGS, DETAILS, DOCUMENTS, REPORTS, ETC. AND WILL ALLOW THE CEs TO PRACTICE THE SEPARATE STATE-REGULATED PROFESSION OF ARCHITECTURE IN THE PHILIPPINES (PH).
----using the word subtly only means unsure.

part of Senate Bill No. 2770
(a) Civil Engineering is the science or profession in which knowledge of the mathematical and physical sciences gained by study and practice is applied with judgment to utilize natural and man-made resources and forces in the NON-ARCHITECTURAL planning, design, management, construction, and THE maintenance of buildings, structures, facilities, and utilities in their totality, for the progressive well-being and use of mankind, enhancing the environment, community living, industry, and transportation, taking into consideration such aspects as functionality, efficiency, economy, safety, and environmental quality.

(3) Preparation, signing, sealing of NON-ARCHITECTURAL plans, specifications, calculations, bill of materials, cost estimates, tender documents, invitation for bids/proposals, instructions to bidders/offerers, general conditions, special conditions, and contract documents;

----in the bill always states NON-Architectural , i believe its better to discuss what is non-architectural.

thanks Valiant for the link -i learn something new reading the bill.

Galaites07
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 482
Age : 46
Location : Philippines- The Promised Land
Registration date : 04/01/2010

http://galaites30.multiply.com/

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by qnald Thu Aug 11, 2011 6:45 pm

whey09 wrote:I do have a question, out of curiosity lang, marami ba talagang CE na pumipirma ng mga architectural plans? Wala pa kasi akong na encounter, san usually nagyayari ito? sa city hall ba? mga city engineers ba madalas gumawa nito?

kasi sa napapansin ko ngayon, owners are educated enough na, what I mean is, kapag magpapa design sila ng bahay or anything, first choice nila talaga is an architect or an interior designer, second choice is a graduate of architecture na hindi pasado, then papa pirma nalang sa architect, parang wala na sa choice nila ang CE kasi nga alam nila na konti lang ang background nila sa design,

another question, ano pala reason ng mga CE kung bakit nila gusto magsign or practice ng architecture?
Sa dati kong Company sa Laguna(LTI).. Tinatanggap nila sa PEZA ang Pirma ng mga CE for Architectural Plans ng mga Industrial,. at madalas sa mga munisipyo naman may mga tumatanggap for residentials. Hindi ko lang alam sa ibang probinsya..
qnald
qnald
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 990
Age : 36
Location : pampanga
Registration date : 15/08/2010

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by killerBEE Thu Aug 11, 2011 8:19 pm

micoliver1226 wrote:sa usapin ito..dapat hindi lang kasi ce ang nasisi naman,kailangan din may strict rules sa mga city halls(building dept)alam naman ng mga building officials na hindi pwede pumirma ang ce sa mga architectural plans o documents at hindi naman pwede ang archi sa structurals..kung hindi signed or stamped ng isang registered arki/engr ang bawat dokumento dapat hindi inirerelease ang building permit..kung walang malinaw na law tungkol dito e di ano pa ang gagawin ng ce para kumita e kaya naman nya ang trabaho at kung meron man pero hindi naman mahigpit na ipanatutupad(lagayan)..sa hirap ba naman ng buhay ngayon(malapit ng mawala ang salitang code of ethics lalo na kung kumakalam ang sikmura)law enforcement nga e pasimuno ng pangingikil..bottom line..sisihin din ang city hall..para sa kin lang ito mga sirs

Kasi sir halos Building Official dito satin puro mga CE.Gumawa na ng hakbang dyan ang PRBOA sa pagpapatupad ng RA 9266,subalit may ginagawa bang hakbang ang mga BO.
killerBEE
killerBEE
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 321
Age : 36
Location : camarines sur
Registration date : 22/03/2010

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by killerBEE Thu Aug 11, 2011 8:28 pm

qnald wrote:
whey09 wrote:I do have a question, out of curiosity lang, marami ba talagang CE na pumipirma ng mga architectural plans? Wala pa kasi akong na encounter, san usually nagyayari ito? sa city hall ba? mga city engineers ba madalas gumawa nito?

kasi sa napapansin ko ngayon, owners are educated enough na, what I mean is, kapag magpapa design sila ng bahay or anything, first choice nila talaga is an architect or an interior designer, second choice is a graduate of architecture na hindi pasado, then papa pirma nalang sa architect, parang wala na sa choice nila ang CE kasi nga alam nila na konti lang ang background nila sa design,

another question, ano pala reason ng mga CE kung bakit nila gusto magsign or practice ng architecture?
Sa dati kong Company sa Laguna(LTI).. Tinatanggap nila sa PEZA ang Pirma ng mga CE for Architectural Plans ng mga Industrial,. at madalas sa mga munisipyo naman may mga tumatanggap for residentials. Hindi ko lang alam sa ibang probinsya..

Dito rin samin sir, tinatanggap pa nila na may pirma ng CE yung Architectural Plans.Buti pa yung sa Electrical Plans, PEE ang req'd.Sa mga major cities strikto na sila, dun lang sa mga municipality di pinapatupad.Whew!!!
killerBEE
killerBEE
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 321
Age : 36
Location : camarines sur
Registration date : 22/03/2010

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by theomatheus Thu Aug 11, 2011 9:45 pm

part of Senate Bill No. 2770
(a) Civil Engineering is the science or
profession in which knowledge of the mathematical and physical sciences
gained by study and practice is applied with judgment to utilize
natural and man-made resources and forces in the NON-ARCHITECTURAL
planning, design, management, construction, and THE
maintenance of buildings, structures, facilities, and utilities in their
totality, for the progressive well-being and use of mankind, enhancing
the environment, community living, industry, and transportation, taking
into consideration such aspects as functionality, efficiency, economy,
safety, and environmental quality.

(3) Preparation,
signing, sealing of NON-ARCHITECTURAL plans,
specifications, calculations, bill of materials, cost estimates, tender
documents, invitation for bids/proposals, instructions to
bidders/offerers, general conditions, special conditions, and contract
documents;

thanks sir valiant.kung papansinin natin sa footnote na nakalagay na (PRboa comments/suggestions in BOLD TYPEFACE TIMES NEW ROMAN FONT) like yung NON-ARCHITECTURAL.. subukan nyong tanggalin yung mga suggestions at basahin nyo uli..
theomatheus
theomatheus
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1387
Age : 41
Location : planet obsidian panopticon
Registration date : 06/07/2009

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by Galaites07 Thu Aug 11, 2011 10:54 pm

here copy of original bill http://www.senate.gov.ph/lisdata/110899453!.pdf

Galaites07
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 482
Age : 46
Location : Philippines- The Promised Land
Registration date : 04/01/2010

http://galaites30.multiply.com/

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by pakunat Thu Aug 11, 2011 11:54 pm

ganito na lang: magdala sila ng isang architect and engineer na malupit sa senate. pagdrawingin nila. baka mas lalabas pa na mas magaling gumawa ng structural si architekto. dito sa sg wala kang makikitang engineer sa loob ng design firm. if meron well isa lang tawag sa kanya. nawawalang engineer. iwasan po nating magkatampohan. peace sa lahat
pakunat
pakunat
CGP Expert
CGP Expert

Number of posts : 3866
Age : 43
Location : singapore
Registration date : 23/09/2008

http://www.3dppakunat.multiply.com

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by Valiant Sat Aug 13, 2011 1:11 am

ironic... dito sa middle east Pakunat engineer ang mas kilala e hehehe kahit architect ka ang tawag sayo engineer Twisted Evil

saying na mas lalabas na mas magaling gumawa ng structural ang architect is the same na lalabas na mas magaling magdesign ang engineer compare to architect...

marami din naman ang malokong arkitekto... ganun din sa engineer... same-same lang yan sabi nga... tama ang sabi ni Galaites... dito na lamang sa cgp... ilang arkitekto ba dito ang nagtra-trabaho as interior designer? hindi ba't dapat ay bawal yan? Saka kung gusto nating mga arkitekto ng malinis talaga at nasa code of ethics... ilan ba dito ang hindi board passer pero nagtra-trabaho as Senior Architect? or equivalent for that matter? Huwag po tayong basta-basta magbibitiw ng masakit na salita sa Allied Professions kasi baka bumalik sa atin masakit tanggapin Twisted Evil Baka mamaya magdesign ka ng organic shape tatakbo ka kay Engineer e kakilala pala ni Engineer ang nakasagutan mo dito mapahiya ka... pero kung Architect ka na Structural Engineer ka pa... aba e ikaw na, the best ka... para kang si Calatrava Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 523692
Valiant
Valiant
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 927
Age : 103
Location : Aisle of Man
Registration date : 25/03/2010

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by i3dness Sat Aug 13, 2011 2:23 am

whey09 wrote:I do have a question, out of curiosity lang, marami ba talagang CE na pumipirma ng mga architectural plans? Wala pa kasi akong na encounter, san usually nagyayari ito? sa city hall ba? mga city engineers ba madalas gumawa nito?

kasi sa napapansin ko ngayon, owners are educated enough na, what I mean is, kapag magpapa design sila ng bahay or anything, first choice nila talaga is an architect or an interior designer, second choice is a graduate of architecture na hindi pasado, then papa pirma nalang sa architect, parang wala na sa choice nila ang CE kasi nga alam nila na konti lang ang background nila sa design,

another question, ano pala reason ng mga CE kung bakit nila gusto magsign or practice ng architecture?

question 1: marami po sir halos lahat ng CE pumipirma ng plano lalo ng residential projects.

tama po kayo para sa mga educated na client first choice nila ang Architect kaso marami ang uneducated na client di nila masyado kilala kung ano ang trabaho ng Architecto.

question 2: hindi po nila reason to sir kung bakit gusto nilang magsign kc binigyan mo sila ng karapatan noon ng batas para gumawa nito kaya masakit para sa ating Architecto na nag aral ng 10 design subject sa 5 limang taon.

talamak ang diskusyon ito sa bawat pulong pulong ng mga architekto, may isang batang Architekto nag tanong bakit nangyari ang batas na ito or naisabatas ito na pwedeng pumirma ang mga CE dati?

Sinagot ng isang matandang Arkitekto dahil noong katapos ng world war 2(japanese war) maraming structure bahay,bldg. institutional etc. na dapat i construct at nagkataon kokonti lamang ang license na Architect at nangyari ang di dapat mangyari inover run ng CE ang Architecture field and the rest is history. Sad
i3dness
i3dness
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 781
Age : 50
Location : Asias Latin City /Dubai
Registration date : 11/11/2008

http://www.ismaeldd30.carbonmade.com

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by andy32 Sat Aug 13, 2011 10:46 am

opinion ko lang mga kasama, actually di naman talaga kasalanan ng mga CE ito kundi and mga taong nag lobby ng batas, sila ang dapat sisihin.. at isa lang ang rason dyan bakit isinulong nila yang batas na yan at yan ay "PERA" dahil sa totoo lang mas marketable ang profession ng Arki kesa CE dahil at kung ibabase mo talaga sa batas natin eh talagang talo sila, pero ayaw nila bitawan yun kaya gumawa sila ng batas na carbon copy ng Architecture Act of 2004, kung babasahin nyo eh binaligtad lang at akalain mo may PRBOCE na rin sila.. pero dapat mas ayusin pa natin ang batas ng RA 9266 dahil hindi pa sapat yun sa profession ng arkitekto, dapat baguhin din sa batas ng Civil service na dapat hindi "optional" ang mag create sa bawat opisina ng gobyerno na Office of the Municipal Architect or Office of the Provincial Architect, eh pambihirang patis talaga office of the provincial veterinarian may item sa government yung office of the provincial/municipal architect optional pa?? kaya napakasakit sa profession namin na ganyan ang kalagayan..
andy32
andy32
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 235
Registration date : 22/07/2009

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by zromel Sat Aug 13, 2011 8:51 pm

qnald wrote:
whey09 wrote:I do have a question, out of curiosity lang, marami ba talagang CE na pumipirma ng mga architectural plans? Wala pa kasi akong na encounter, san usually nagyayari ito? sa city hall ba? mga city engineers ba madalas gumawa nito?

kasi sa napapansin ko ngayon, owners are educated enough na, what I mean is, kapag magpapa design sila ng bahay or anything, first choice nila talaga is an architect or an interior designer, second choice is a graduate of architecture na hindi pasado, then papa pirma nalang sa architect, parang wala na sa choice nila ang CE kasi nga alam nila na konti lang ang background nila sa design,

another question, ano pala reason ng mga CE kung bakit nila gusto magsign or practice ng architecture?
Sa dati kong Company sa Laguna(LTI).. Tinatanggap nila sa PEZA ang Pirma ng mga CE for Architectural Plans ng mga Industrial,. at madalas sa mga munisipyo naman may mga tumatanggap for residentials. Hindi ko lang alam sa ibang probinsya..

meron talaga sa amin bro. pumipirma talaga (pero hindi naman lahat) kahit may city architects kami dito meron parin nakakalusot. alam na alam ko kasi malapit ako sa former chapter president ng uap dito.

yong about naman sa electrical at sanitary may nangyayari talaga sa kalapit na probinsya dito sa amin
(no offense po im just telling the truth ) peace
zromel
zromel
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1044
Age : 36
Location : butuan/bxu
Registration date : 20/10/2010

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by natski08 Sat Aug 13, 2011 9:14 pm

marami din naman ang malokong arkitekto... ganun din sa engineer... same-same lang yan sabi nga... tama ang sabi ni Galaites... dito na lamang sa cgp... ilang arkitekto ba dito ang nagtra-trabaho as interior designer? hindi ba't dapat ay bawal yan? Saka kung gusto nating mga arkitekto ng malinis talaga at nasa code of ethics... ilan ba dito ang hindi board passer pero nagtra-trabaho as Senior Architect? or equivalent for that matter? Huwag po tayong basta-basta magbibitiw ng masakit na salita sa Allied Professions kasi baka bumalik sa atin masakit tanggapin Twisted Evil Baka mamaya magdesign ka ng organic shape tatakbo ka kay Engineer e kakilala pala ni Engineer ang nakasagutan mo dito mapahiya ka... pero kung Architect ka na Structural Engineer ka pa... aba e ikaw na, the best ka... para kang si Calatrava Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 523692

Sir valiant..

Sinong may sabi sayo na bawal yan sa isang architect.. eh under yan ng architect at career Oppurtunities yan para sa architect graduate..

ito o basahin mo. do research ka muna bago ka mag-reply..

ito o ang link www.finduniversity.ph/majors/bs-in-architecture-philippines

dyan nakalagay ang subject ng architecture at career oppurtunities ng isang architect pag-ka graduate.. eh ang CE mayron bang career opprtunity na ganyan.. nakasulat?

at regarding naman sa design na sinasabi mo na organic at tatakbo sa engineer... natural kailangan ng engineer kasi yun talaga ang trabaho ng engineer.. at itong ang pinag-uusapan dito.. division ng works..

i hope may natutunan ka sa reply ko..

natski08
natski08
natski08
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 283
Age : 98
Location : Singapore
Registration date : 12/11/2008

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by celes Sat Aug 13, 2011 9:29 pm

para maiwasan ang di pagkakaintindihan dito sirs:

1. ang pinaguusapan dito ay yung bill at kung ano ang magiging epekto nito sa professions ng architecture at structural engineering, hindi ang mga individual na architects or engineers.

2.walang nagsasabi kung sino ang may sala, sinong architect ang magaling magstrutural analysis or kung sinong engineer ang magaling magdesign at magrender. im sure meron ding mga abogado na mas magaling pa magreseta ng gamot.

3. kung may individual man na pinapatamaan dito, ay yung mga nasa likod ng proposed bill na ito.

may kanya kanyang role na ginagampanan bawat professional, di masama na iextend ang mga kakayahan natin (engineers na magaling magrender, etc) pero ung tatanggalan ng fundamental na karapatan ng mga architects eh sobra na po yan.
celes
celes
Pogi
Pogi

Number of posts : 2958
Age : 52
Location : Singapore
Registration date : 25/11/2008

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by anmarj1258 Sat Aug 13, 2011 10:30 pm

I agree with you Sir Arkiedmund....my dad is a Civil Engineer and as for the design he doesn't need any architects for it....God given nah creative din syang tao. These are the facts we have to face.....some architects does interior design as well.....some architects I know wants to pursue more on the engineering field. Some poeple can do more than any other people can..... and that's why we have to enhance ourselves and compete, that's where the challenge is. - my opinion bow! peace man
anmarj1258
anmarj1258
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 327
Age : 40
Location : Philippines
Registration date : 05/06/2010

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by mokong Sat Aug 13, 2011 10:53 pm

zromel wrote:
qnald wrote:
whey09 wrote:I do have a question, out of curiosity lang, marami ba talagang CE na pumipirma ng mga architectural plans? Wala pa kasi akong na encounter, san usually nagyayari ito? sa city hall ba? mga city engineers ba madalas gumawa nito?

kasi sa napapansin ko ngayon, owners are educated enough na, what I mean is, kapag magpapa design sila ng bahay or anything, first choice nila talaga is an architect or an interior designer, second choice is a graduate of architecture na hindi pasado, then papa pirma nalang sa architect, parang wala na sa choice nila ang CE kasi nga alam nila na konti lang ang background nila sa design,

another question, ano pala reason ng mga CE kung bakit nila gusto magsign or practice ng architecture?
Sa dati kong Company sa Laguna(LTI).. Tinatanggap nila sa PEZA ang Pirma ng mga CE for Architectural Plans ng mga Industrial,. at madalas sa mga munisipyo naman may mga tumatanggap for residentials. Hindi ko lang alam sa ibang probinsya..

meron talaga sa amin bro. pumipirma talaga (pero hindi naman lahat) kahit may city architects kami dito meron parin nakakalusot. alam na alam ko kasi malapit ako sa former chapter president ng uap dito.

yong about naman sa electrical at sanitary may nangyayari talaga sa kalapit na probinsya dito sa amin
(no offense po im just telling the truth ) peace

I highlight your comment in red.. do you have any proof dude? pakita mo approved electrical at sanitary permit kung may perma ba ng CE.. sabihin na nating may pumirma, tinanggap ba ng OBO? I was working in the OBO for 3 years as building inspector sa probinsiya namin, I never encounter na Electrical at Plumbing na pinirmahan ng CE.. At napaka bobo ng OBO kung tatanggapin nila... o baka CE na RMP yun bro kaya puede pumirma ng sanitary.. mahirap yung sabi2x lang without any proof.. parang steriod accusation kay pacquiao..
mokong
mokong
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1926
Age : 41
Location : Nagoya, Japan
Registration date : 02/03/2009

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by zromel Sat Aug 13, 2011 11:34 pm

kaya nga sir bakit nakakalusot eh. ok lang yong CE tapos RMP sa sanitary. hindi po sabi2x sir . nangyari na kasi ito. pero not all CE pumipirma.
zromel
zromel
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1044
Age : 36
Location : butuan/bxu
Registration date : 20/10/2010

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by mokong Sat Aug 13, 2011 11:54 pm

celes wrote:para maiwasan ang di pagkakaintindihan dito sirs:

1. ang pinaguusapan dito ay yung bill at kung ano ang magiging epekto nito sa professions ng architecture at structural engineering, hindi ang mga individual na architects or engineers.

2.walang nagsasabi kung sino ang may sala, sinong architect ang magaling magstrutural analysis or kung sinong engineer ang magaling magdesign at magrender. im sure meron ding mga abogado na mas magaling pa magreseta ng gamot.

3. kung may individual man na pinapatamaan dito, ay yung mga nasa likod ng proposed bill na ito.

may kanya kanyang role na ginagampanan bawat professional, di masama na iextend ang mga kakayahan natin (engineers na magaling magrender, etc) pero ung tatanggalan ng fundamental na karapatan ng mga architects eh sobra na po yan.

tama po kayo sir celes hindi po debate ito sa kakayahan ng isang architect at isang engineer... pero hindi po maiiwasan na meron ganyang mga comment dito pinapalabas lang yung mga saloobin nila but again sana with respect and in humble way to interact with co or other professionals... well anyway, regarding po kung bakit hanggang ngayon meron pa rin pumipirma na CE.. baka hindi pa po naglabas ng memorandum ang DPWH sa lahat ng OBO sa pinas, which in fact all Building Officials are mandated by the Sec. of DPWH.. Kung ano ang mandate ang DPWH sumusunod lang po ang Building Official.. correct me if meron nang memorandum ang DPWH nito..
mokong
mokong
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1926
Age : 41
Location : Nagoya, Japan
Registration date : 02/03/2009

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by mokong Sun Aug 14, 2011 12:11 am

zromel wrote:
mokong wrote:

I highlight your comment in red.. do you have any proof dude? pakita mo approved electrical at sanitary permit kung may perma ba ng CE.. sabihin na nating may pumirma, tinanggap ba ng OBO? I was working in the OBO for 3 years as building inspector sa probinsiya namin, I never encounter na Electrical at Plumbing na pinirmahan ng CE.. At napaka bobo ng OBO kung tatanggapin nila... o baka CE na RMP yun bro kaya puede pumirma ng sanitary.. mahirap yung sabi2x lang without any proof.. parang steriod accusation kay pacquiao..

kaya nga sir bakit nakakalusot eh. ok lang yong CE tapos RMP sa sanitary. hindi po sabi2x sir . nangyari na kasi ito. pero not all CE pumipirma.

It's an isolated case i guess.. It's not a practice of any CE to sign and seal any plan or document related to electrical at sanitary under the law... he/she should be reprimand by the concern IIEE at NAMPAP members.. but ito isolated case din, arch. na babae pumirma ng structural sheet sa isang 3 storey school building, ako ang inspector noon.. hindi tinanggap ng OBO, pinapirmahan ng CE... it's not because she is not capable of but let the CE take the responsibility kung ano mangyari sa building..

well now it is upon the mandate of DWPH to push the memorandum to all OBO para maitupad ang batas..
mokong
mokong
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1926
Age : 41
Location : Nagoya, Japan
Registration date : 02/03/2009

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by Valiant Sun Aug 14, 2011 12:28 am

natski08 wrote:Sir valiant..

Sinong may sabi sayo na bawal yan sa isang architect.. eh under yan ng architect at career Oppurtunities yan para sa architect graduate..

ito o basahin mo. do research ka muna bago ka mag-reply..

ito o ang link www.finduniversity.ph/majors/bs-in-architecture-philippines

dyan nakalagay ang subject ng architecture at career oppurtunities ng isang architect pag-ka graduate.. eh ang CE mayron bang career opprtunity na ganyan.. nakasulat?

at regarding naman sa design na sinasabi mo na organic at tatakbo sa engineer... natural kailangan ng engineer kasi yun talaga ang trabaho ng engineer.. at itong ang pinag-uusapan dito.. division ng works..

i hope may natutunan ka sa reply ko..

natski08

it's common sense natski08. interior designer have their OWN EXAM so ibig sabihin lang na NO PROFESSION must intervene sa kanilang profession. If you know how to read between the lines, isn't it BIASED sa architecture and DEGRADING sa mga PASADONG INTERIOR DESIGNER na sabihin na pwedeng maging interior designer ang isang architecture GRADUATE pa lang? Working UNDER sa interior designer maari pa as part of two years ojt... pero ang kunin mo ang titulo na para sa isang professional e ibang usapan na yan. Unless you will take units in interior design and pass their EXAM. Alam mo ba na merong exam ang interior design? Marami kasi sa mga architects are hypocrites... porke't pasado na akala mo kung sino... galit na galit kapag engineer ang nakakalaban pero kapag sinasapawan ang trabaho ng dapat ay interior designer ang may scope balewala lang...

ang sinasabi kong tatakbo sa engineer ay ang pagsasabi na lalabas pa na mas magaling ang architect sa structural... i hope meron kang matutunan sa reply ko natzki08...
Valiant
Valiant
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 927
Age : 103
Location : Aisle of Man
Registration date : 25/03/2010

Back to top Go down

Civil Engineers to Practice Architecture - Page 2 Empty Re: Civil Engineers to Practice Architecture

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Page 2 of 6 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6  Next

Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum