Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

The Last Airbender movie review: critics and comments

+22
Bosepvance
skyscraper100
Archi.Karl
egypt
jarul
ortzak
ebalong
knives seiji kun
anmarj1258
nahumreigh
jheteg
go_jerome
jzonjzonjzon
one9dew
vinc3nt12
ga_iguis
render master
wireframan
bokkins
fpj999
eragasco
reyknow
26 posters

Page 1 of 2 1, 2  Next

Go down

The Last Airbender movie review: critics and comments Empty The Last Airbender movie review: critics and comments

Post by reyknow Sun Jul 11, 2010 7:52 pm

especially kung fan kayo nung cartoon series, madidisappoint lang kayo lalo. macocompare to dun sa Dragonball Evolution movie o dun sa street fighter legend of chunli o dun sa the hulk movie ni ang lee. sobrang binaboy ni shyamalan yung source material. list ko yung ilang fails nitong movie>>

- pronunciation ng names ng main characters eh iniba. yung "Aang" na pronounced parang sa word "boomerang" eh ginawa ni shyamalan na "ong". si "Sokka" na pronounced "sock-ah" ginawang "soak-ah". yung "Iroh" na "eye-roh" ginawang "eee-row". i know maliit na difference lang pero kung fan ka nung series, maiirita ka eh.

- yung "bending" nila. elemental bending kasi yung powers dito eh. ang problem eh masagwa tignan sa film. unlike dun sa series na fast paced tignan, dito parang sumasayaw muna. imagine si eugene sa ghost fighter eh sumasayaw muna bago mag ray gun.

- yung script. usually ang directors eh hiwalay sa writers. pero ayaw ni shyamalan. kaya ang kinalabasan, parang sinulat ng high school student ang lines buong movie.

- walang pacing. kung hindi ka fan nung series, malilito ka siguro. one minute nasa south pole sila tapos biglang nasa earth kingdom sila the next.

- no character development. unlike din dun sa series na ma-aattach ka dun sa characters, dito wala lang, parang kumikilos lang sila ng walang motivation.

- bad choice ng actors. bukod dun sa controversy sa racists yung pagpili ni shyamalan ng actors, ang mga pinili nya eh mga newbies na walang talent. especially dun sa main character na si aang. apparently pinili nya lang yun kasi na impress lang sya sa martial arts talent, bukod dun wala na.

-yung fight scenes. bukod sa reklamo dun sa elemental bending, yung fight scenes eh palpak din. scenes na dapat mabilis eh naka slomo, at scenes na may drama eh naka mabilis. tapos dun sa series, each nation eh merong corresponding martial arts style, dito eh parang dance moves lang. sinabi pa naman ni shyamalan with confidence nung nakita nya yung series "i can easily copy that".

- changes sa story. since ang source material eh isang buong season, maraming pinutol na scenes/characters. wala si suki at kyoshi warriors, si jet at freedom fighters, si avatar roku, at iba pa. maraming scenes na na butcher din tulad ng intro, ng imprisonment, at ng finale sa north pole. yung firebenders pinahina rin ng sobra dito, doon kailangan pa nila ng source of fire bago mag firebending, unlike dun sa series na galing sa chi.

- useless ang 3d dito. unlike dun sa avatar ni james cameron na maayos ang 3d (kahit mejo nakakahilo pa din), mas macocompare ang pagka-3d nito sa clash of the titans. ginawa sa post kaya minadali at ang result eh halos non existent. may mga nagsabi nga na bumili ng 3d tickets pero mas maayos daw nung tinanggal nila yung glasses.

heres a clip from youtube>>