Ano nang susunod?
+6
torvicz
3DZONE
v_wrangler
ARCHITHEKTHURA
bokkins
nAsLiMe
10 posters
Ano nang susunod?
magandang araw muli mga ka-CGP! ito ang unang topic ko at matapos kong ipakilala ang aking sarili sa inyo sa thread na "Introduce Yourself" ay nagmasidmasid muna ako sa forum. napaka dami pala dito na talagang hahangaan mo ang mga gawa dahil talagang magaganda, napaisip tuloy ako. paano kaya ako makagagawa ng mga Obrang gaya sa mga kasamahan ko dito sa CGP, kakatapos ko lang pag-aralan ang Autocad at nais ko pang madagdagan ang kaalaman ko kaya nanuod ako ng mga tutorial tungkol sa 3dsmax, sketchup at photoshop. ang problema lang ay hindi ko masundan ang mga ito dahil nalilimitahan ako ng computer ko (P4 1.8GHz 1Gig ram and 20Gig HDD). nagbabaka sakali lang ako na baka may maipapayo ang mga eksperto dito sa kung ano pa ang pwede kong gawin upang makapag praktis, dapat bang tutukan ko muna ang Autocad? kung nais ko tahakin ang maging CG Artist, may mga kumpanya ba na kukuha sa akin kahit hindi ako architect, interior designer o civil/ mechanical engineer dahil computer engineering ang tinapos ko? alam kong may mga sasagot sa aking mga katanungan kaya ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyo.
nAsLiMe- CGP Newbie
- Number of posts : 24
Age : 43
Location : Rizal
Registration date : 24/05/2009
Re: Ano nang susunod?
welcome to cgp bro. medyo malayo ang course mo sa gusto mong mangyari. sa professional practice, hindi pwede ang isang computer science grad gumawa ng trabaho ng isang interior designer or architect. pro pwede mag3d under sa supervision ng isang architect. madaming standards at mga requirements na pinag-aralan sa loob ng limang taon na di maaring pagaralan sa ilang linggo lamang.
pro maari mong tahakin ang landas ng isang cg artist. dahil dito, talento ang mas importante.
kakayanin naman ng computer mo ang ilang softwares. rhino, sketchup, or lower version ng studio max. ang specs mo ay karaniwang specs ng laptop na di kamahalan. kaya ibig sabihin eh kayang kaya talaga.
good luck sa career na mapipili mo.

One of my colleague here bro is computer science graduate.Ksama ko din sya sa team.I think he is pretty good. Nga lng madami na syang experience sa grapphics and product visualizations and some interiors so kahit papano nakakasunod nmn sya..So i think bro pwede nmn.Kailangan lng ng Focus and Determination sa trabaho..Goodluck!
ARCHITHEKTHURA- The Groom
- Number of posts : 1122
Age : 64
Location : Dubai,United Arab Emirates
Registration date : 05/05/2009
Re: Ano nang susunod?
bokkins wrote:welcome to cgp bro. medyo malayo ang course mo sa gusto mong mangyari. sa professional practice, hindi pwede ang isang computer science grad gumawa ng trabaho ng isang interior designer or architect. pro pwede mag3d under sa supervision ng isang architect. madaming standards at mga requirements na pinag-aralan sa loob ng limang taon na di maaring pagaralan sa ilang linggo lamang.
pro maari mong tahakin ang landas ng isang cg artist. dahil dito, talento ang mas importante.
kakayanin naman ng computer mo ang ilang softwares. rhino, sketchup, or lower version ng studio max. ang specs mo ay karaniwang specs ng laptop na di kamahalan. kaya ibig sabihin eh kayang kaya talaga.
good luck sa career na mapipili mo.
salamat kapatid! oo nga medyo lumayo ang gusto kong karera sa tinapos ko, mula pagkabata kasi gusto ko maging arkitekto pero computer ang landas na tinahak ko dahil sa impluwensya. kung cad operator o kaya naman ay renderer pwede kaya ako? kung CG artist naman anong suhestyon ang mabibigay nyo? animator, web designer, etc? subukan ko din mag install ng ng mga unang bersyon ng mga software na nabanggit mo. salamat muli!
ARCHITHEKTHURA wrote:One of my colleague here bro is computer science graduate.Ksama ko din sya sa team.I think he is pretty good. Nga lng madami na syang experience sa grapphics and product visualizations and some interiors so kahit papano nakakasunod nmn sya..So i think bro pwede nmn.Kailangan lng ng Focus and Determination sa trabaho..Goodluck!
kapatid ano naman ang trabaho ng sinasabi mong kasamahan mo dyan? pursigido naman talaga ako na matuto kaya humihingi na din ako sa inyo ng tips at suggestions kung san magsisimula. salamat nga pala sa reply mo!
nAsLiMe- CGP Newbie
- Number of posts : 24
Age : 43
Location : Rizal
Registration date : 24/05/2009
Re: Ano nang susunod?
ano ang linya na gusto mo talaga bro. pwede kang matuto kasi nyan bro, madali lang. pro may limit sad to say. pro ang masusugest ko naman dyan,. pag umabot ka na sa limit, dapat nakaipon ka na ng husto. at magnegosyo ka. good luck sa career. we will try to guide you here. basa basa ka lang at tanong din kung meron kang di maintindihan.
Re: Ano nang susunod?
NAslime.
Hanga ako sa iyong persistence. Wag kang titigil - tuloy mo lang yan.
Don't kow if it will be a consolation to you - but a fraction of our emplpyees in the studio in Sapporo did not have any formal design training. One of them was a former animal trainer from the nearby zoo, one was an attendant at a book shop. We came from a variety of backgrounds. Pero iisa lang ang parepareho kami - we all like design and animation.
Hindi maiituturo ang will to do or will to learn - but it is very easy to teach new skills to a hungry and persistent heart. Make a choice.
Sa opis namin sa maynila wala kaming pakialam kung gradweyt ka ng ano mang university - your work will always speak for itself.
I look forward to more of your posts.

bokkins wrote:ano ang linya na gusto mo talaga bro. pwede kang matuto kasi nyan bro, madali lang. pro may limit sad to say. pro ang masusugest ko naman dyan,. pag umabot ka na sa limit, dapat nakaipon ka na ng husto. at magnegosyo ka. good luck sa career. we will try to guide you here. basa basa ka lang at tanong din kung meron kang di maintindihan.
gusto ko sana talaga na malinya sa kahit na anong sangay ng architecture kaya pinag aralan ko ang autocad pero nang magbasa basa ako ay lumawak ang pang unawa ko sa CG. naisip ko na maari din pala akong maging animator kung gugustuhin ko kaya ninais kong pag aralan ang mga software na nakakahikayat sa aking interes. sa tingin ko ay mag eeksperimento muna ako sa mga software na ito at saka ako mag dedesisyon kung ano ba talaga ang gusto ko. wag kang mag alala kapatid at lagi ako magbabasa ng mga topic dito at talagang inaabangan ko din ang mga post mo, ang gagaling kasi ng mga gawa mo kaya isa ka sa mga iniidolo ko dito.
v_wrangler wrote:NAslime.
Hanga ako sa iyong persistence. Wag kang titigil - tuloy mo lang yan.
Don't kow if it will be a consolation to you - but a fraction of our emplpyees in the studio in Sapporo did not have any formal design training. One of them was a former animal trainer from the nearby zoo, one was an attendant at a book shop. We came from a variety of backgrounds. Pero iisa lang ang parepareho kami - we all like design and animation.
Hindi maiituturo ang will to do or will to learn - but it is very easy to teach new skills to a hungry and persistent heart. Make a choice.
Sa opis namin sa maynila wala kaming pakialam kung gradweyt ka ng ano mang university - your work will always speak for itself.
I look forward to more of your posts.
talaga kapatid? nangangahulugan lang pala na talagang may pag asa ako na gawing career ang pagiging CGA basta pagbutihin lang at ipagpatuloy ang pagpupursige. sa ngayon hindi ko na muna iisipin ang gawing career ang CG sa halip ay gagawin ko muna ang makakaya ko upang matuto.
naku kapatid mukang susubaybayan mo ang talambuhay ko dito sa CGP ah.hahahaha
nAsLiMe- CGP Newbie
- Number of posts : 24
Age : 43
Location : Rizal
Registration date : 24/05/2009
Re: Ano nang susunod?
kung magaling ka pala sa programing bro, pagaralan mo ang game environment design. isang posibble din na path ng career yun.
Re: Ano nang susunod?
sige kapatid titingnan ko kung may huwido ako sa game environment design.
nAsLiMe- CGP Newbie
- Number of posts : 24
Age : 43
Location : Rizal
Registration date : 24/05/2009
Re: Ano nang susunod?
Same as Architectura, i have an officemate na IT grad siya at nag me-maintain ng server namin, dahil gusto niya matuto ng kahit anong graphics na pwede niyang gawin, mai-sa-suggest ko lang ay kung ano ang alam ko all about Architecture Presentation...dahil deteminado siyang matuto kasama ko na siya ngayon sa Production and Presentation Division. Likas sa Pinoy ang pagiging artist at kasama ka dyan bro....basta Magtiyaga ka lang and you wont regret someday.
3DZONE- Cube Spinner
- Number of posts : 3834
Age : 49
Location : Abu Dhabi U.A.E.
Registration date : 20/12/2008
Re: Ano nang susunod?
v_wrangler wrote:NAslime.
Hanga ako sa iyong persistence. Wag kang titigil - tuloy mo lang yan.
Don't kow if it will be a consolation to you - but a fraction of our emplpyees in the studio in Sapporo did not have any formal design training. One of them was a former animal trainer from the nearby zoo, one was an attendant at a book shop. We came from a variety of backgrounds. Pero iisa lang ang parepareho kami - we all like design and animation.
Hindi maiituturo ang will to do or will to learn - but it is very easy to teach new skills to a hungry and persistent heart. Make a choice.
Sa opis namin sa maynila wala kaming pakialam kung gradweyt ka ng ano mang university - your work will always speak for itself.
I look forward to more of your posts.
I agree with you dude verts 100%...
talagang kelangan mo e yung will mo matuto at mahalin mo kung anuman ung napili mo dude...
ako minsan binibiro ko ung ibang tao pag tinatanong ako kung anu kurso ko e, ang sagot ko lagi e electrical engineer,
tapos bigla silang mapapaisip..."ang layo naman ng course mo sa work mo"....meaning di limitado ung course na kinuha mo sa work mo ngayon...kahit ako gusto ko talagang lumipat na sa gaming industry, kaso nakatali pako sa visuals e...alam ni dude vertex yan....hehehe
So, kung anuman ang gusto mong gawin dude cge lang...pag aralan mo lang ng mabuti at wag kang mahihiyang magtanong dito sa community na to...maraming tutulong sayo dude!
torvicz- Sgt. Pepper
- Number of posts : 3235
Location : dubai, uae
Registration date : 01/10/2008
Re: Ano nang susunod?
sa makatuwid ay ang gawa talaga ng isang artist ang mag rerepresent sa kanya at hindi ang kanyang educational background? basta diterminado at may huwido ay pwedeng tahakin ang karerang ito kung gugustuhin lang di ba? hayaan nyo mga kapatid, sa oras na makagawa ako ng una kong CG art ay ipopost ko kaagad dito.
@3DZONE and torvicz
salamat sa pagbisita sa topic ko kapatid!
@3DZONE and torvicz
salamat sa pagbisita sa topic ko kapatid!
nAsLiMe- CGP Newbie
- Number of posts : 24
Age : 43
Location : Rizal
Registration date : 24/05/2009
Re: Ano nang susunod?
naku puro yata maestro ang bumibisita sa topic ko ah, nakakaantig naman ang suporta nyo...
nAsLiMe- CGP Newbie
- Number of posts : 24
Age : 43
Location : Rizal
Registration date : 24/05/2009
Re: Ano nang susunod?
Aim high and Hit the Mark.
render master- Game Master
- Number of posts : 3274
Age : 104
Location : riyadh, saudi arabia
Registration date : 27/09/2008
Re: Ano nang susunod?
alam mo na cguro ang susunod dude?
torvicz- Sgt. Pepper
- Number of posts : 3235
Location : dubai, uae
Registration date : 01/10/2008
Re: Ano nang susunod?
sa tinagal tagal ko na sa industriya na to ang 3D ang pinaka non-discriminating na trabaho in terms of equal opportunity.
like most of the boys who shared their experiences, kahit magtataho pwedeng mag 3d. sa china pag sumakay ka sa taxi at nalamang architect ka wag kang magtaka kung aalukin ka ng cab driver na magrender / sideline para sa yo.
sa dati kong opisina ang isang kasamahan kong hataw mag 3d eh dating taga gawa ng donut sa dunkin factory. at iisa pa, ang pinaka senior 3d artist namin eh walang tinapos ni high school, pero hataw mag animate. meron pang isa na di nakatapos ng kolehiyo pero naging creative director ng isang sikat na CG viz company sa pilipinas. at sa maiksing panahon na ngturo ako ng 3D, meron akong isang estudyante na nakatapos ng short course kahit na tricycle driver lamang siya at walang kaalam alam sa xyz coordinates (dinugo ako sa pagexplain sa kanya nun) at paghawak ng mouse (ang left click niya eh left hand, pag right click right hand).
pero iisa ang napansin ko sa mga to. sa umpisa pa lang, pag tapat sa PC eh ang output agad nila eh kahanga hanga. ang mga basic ingredients ng proportion at detalye ay kuha na agad. magaling pumili ng camera angles. kahit iisang ilaw lang hataw na agad ang rendering dahil tama ang placement. di na kasi dapat tinuturo ang mga to if you really have an "eye" for it. much like how an artist can dish it out kahit sketch pa lang. and this "eye" di yan nakukuha sa kahit na anong bachelor's degree. kung talentado ka talga e di talentado ka nga.
kaya minsan mas gusto ko pa makatrabaho ang mga ganito dahil gutom sila lagi sa kaalaman, di parehas ng iilang mga me super degree na minsan sa sobrang taas ng ego e di na open sa pagbabago or di nakikinig sa opinyon ng less opinionated sa kanila.
anyway ano nang susunod? ang maipapayo ko sa yo eh kumuha ka ng mabilis na PC. invest. dahil ang skill mo eh di na magaantay sa haba ng rendering hours. pangalawa, focus agad sa 3D. me enough na modelling techniques dun kung rendering lang naman ang objective mo at hindi pag k CAD. "a good lighting can save a bad model but a bad lighting cannot save a good model", ika nga ni prickly pineapples.
and lastly, attitude. positive lagi, wag palakihin ang ulo, respeto sa lahat , lalo na sa matatanda.
anyway. aabangan namin ang unang gawa mo naslime.

celes- Pogi
- Number of posts : 2958
Age : 52
Location : Singapore
Registration date : 25/11/2008
Re: Ano nang susunod?
@torvicz
sa tingin ko nga eh alam ko na susunod.
@mushroom
nakaka-inspire po ang sinabi nyo tungkol sa mga nakasama at naturuan nyo. sa ngayon ay wala pa ko pambili ng magandang spec ng pc, gusto ko nga po sana na mag quad para investment na din sa karerang to.
hayaan nyo at mangangalap pa ko ng kaalaman at impormasyon upang maging karapat dapat naman ang gawa ko, salamat sa suporta nyong lahat!
sa tingin ko nga eh alam ko na susunod.
@mushroom
nakaka-inspire po ang sinabi nyo tungkol sa mga nakasama at naturuan nyo. sa ngayon ay wala pa ko pambili ng magandang spec ng pc, gusto ko nga po sana na mag quad para investment na din sa karerang to.
hayaan nyo at mangangalap pa ko ng kaalaman at impormasyon upang maging karapat dapat naman ang gawa ko, salamat sa suporta nyong lahat!
nAsLiMe- CGP Newbie
- Number of posts : 24
Age : 43
Location : Rizal
Registration date : 24/05/2009
Re: Ano nang susunod?
@nAsLime
napakagandang adhikain kapatid... at napakagandang mga payo mula sa mga maestro...
i assume marunong ka ng kahit anong SCRIPT language kasi computer engineering ang natapos mo... kung marunong ka nun napakalaking advantage para sayo... hindi ako marunong nun e... napanood ko lang sa mga video tutorials ng mga VFX na ginamit sa mga movies like Harry Potter, Spiderman and Lords of the Ring to name a few...
May the force be with you...

Guest- Guest
Re: Ano nang susunod?
tama ang sinabi nang mga master dito bro,tips ko lang sa yo bro if you have already new pc,uninstall all the game so that you can fucos on your goal.never stop learning and keep on eye of the child.
denz- CGP Apprentice
- Number of posts : 272
Age : 43
Location : Singapore / Lapu-lapu City / Bohol Phil.
Registration date : 19/01/2009
Similar topics
» sa loob nang bahay
» Help Kung paano Mag Export nang OBJ File sa Max
» resthouse_photomatch daw.
» Paano po maglagay nang object sa viewport?
» living area nang chalet
» Help Kung paano Mag Export nang OBJ File sa Max
» resthouse_photomatch daw.
» Paano po maglagay nang object sa viewport?
» living area nang chalet
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum