Share ko lng! Para sa ating mga OFW
4 posters
Share ko lng! Para sa ating mga OFW
Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa...
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW (Isa ako sa milyun-milyong kababayan natin). Tiyak na may mapupulot tayong aral dito.
Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P30K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (Amen!).
Malaki ang pangangailangan kaya karamihan sa amin ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis kami sa Pinas. Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.
Mahirap maging OFW - Kailangan namin magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo (hindi kc agad nasisira ito) at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na kami na lang ang magutom kaysa gutumin ang pamilya.
Kapag umuuwi kami, kailangan may baon/pasalubong kahit konti, kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam nyo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin. Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na.
Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun.
Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin at trato sa gaya nating mga Pinoy, kahit na masipag at mas may utak tayo kaysa sa kanila. Malamang marami ang naka-experience na nang pang-gugulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iiiyak na lang namin kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi kami sa pinas.
Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming pasaway sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapag-padala na kami, okay na yun, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".
Hindi bato kaming mga OFW - Tao rin ang OFW, hindi kami money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit (na-endoscopy ako), nag-iisip (nakapag-adjust na) at nagugutom (palagi). Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually (especially ito) man lang.
Tumatanda rin kaming mga OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind.
Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pagpapakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya sa Pinas - ang anak adik o nabuntis/nakabuntis; ang asawa/gf/bf may kinakasamang iba; ang kapatid nakuntento na lang na umasa at tumambay. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"
Bayani kaming mga OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio na kalayaan ang ipinaglaban. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay.
Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't parang mga ahas at parang mga amag ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya namin kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot namin na mawalan ng trabaho at sweldo.
Matindi kaming mga OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution.
Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.
Malas naming mga OFW, swerte ng mga buwayang pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap o na-maltrato). Madalas nasa sidelines lang ang OFW.
Kapag lilisan ng bansa, malungkot and on the verge of tears; Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo (madalas naman meron); Kapag naubos na ang ipon at wala nang maibigay, wala na rin ang kamag-anak. Sana sikat kaming mga OFW para may boses kami sa Kamara.
Ang swerte ng mga buwayang pulitiko nakaupo lang sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan ng matinding araw o napapaso ng langis; napagagalitan at nasasampal ng amo; kumakain ng paksiw para makatipid; nakatira sa compound with conditions less than favorable; nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte ninyong mga buwayang pulitiko kayo, sobrang swerte ninyo.
Matatag kaming mga OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks.
Tatagal ba ang OFW? - Tatagal at dadami pa kami hangga't hindi pa natin alam kung kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya?... o may tsansa pa ba?
Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos na kasama ka.
Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka.
Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago.
Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo at nakakakuwenttuhan mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines; iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo except ('pag hambog at utak-talangka); Iba pa rin 'pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo; Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika"," "Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba".
Iba pa rin talaga.
Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.
Kung may kamag-anak kang OFW mapalad ka at wala ka d2 sa kinalalagyan namin at anjan ka kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.
Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!!

engel_hg- CGP Newbie
- Number of posts : 124
Age : 43
Location : Sa lupa na aking sinilangan, PILIPINAS
Registration date : 06/07/2009
Re: Share ko lng! Para sa ating mga OFW
tama to
off topic:
tingin ko nagaapply din yan dito sa loob ng pinas. yung mga taga probinsya ang tingin sa manila eh pag nandun ka mayaman at mapera ka na agad.
o kaya yung mga US citizen iba din akala pag nasa paris o italy o europe na. tapos yung european tingin sa kapwa european na nasa pinas tingin eh merong private island o resort na, yun pala nagvacation tapos na holdup naging palaboy na (true story)

pashare din po
HAY BUHAY “MID-EAST” TALAGA !
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Saudi ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash pinadala sa pinas,
kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.
Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.
Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!
Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Saudi kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!
Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani….naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani! Utang sa Saudi lalong dumarami.
Akala nila masarap sa Saudi di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.
Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!
Akala nila masarap sa Saudi kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito!
Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa saudi
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mong naka abaya at nakatarha.. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng Saptco o Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa saudi .. madami mga pakistani, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka arabo na taxi driver na rapist pa!
Akala nila masarap ang buhay dito sa saudi . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho,terminat ed ka gagawan ka ng kwento ng kapwa mo pilipino!. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase baka mamotawa ka pag kasama mo ang syota mo pero madami pading matatalinong matsing ang nakakalusot nagpapagawa ng fake na papel para kunwari kasal, ah letse mga imoral!!
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Redsand, hidden valley, faisaliah mall, riyadh zoo, corniche, obhur at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapicture bawal kasi basta basta kumuha ng picture dito makukulong ka.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase riyal na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero
riyal din ang gastos mo sa saudi. Ibig sabihin ang riyal mong kinita sa presyong riyal mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas SAR3.00 sa Saudi , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
Saudi SAR 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o heap nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa saab,samba o Riyadh bank na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito !!kasi nga magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!
Madaming naghahangad na makarating sa Saudi. Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Saudi wala kang outlet ng stress mo !kasi madaming bawal!!! .
Hindi ibig sabihin riyal na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.
Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan sariling bayan?
Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.
Hangga’t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.
Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!
(please share)

one9dew- CGP Apprentice
- Number of posts : 817
Location : M.E./G.T.C./I.N./I.S.
Registration date : 06/03/2010
Re: Share ko lng! Para sa ating mga OFW
Nakakalungkot talagang isipin na ganito ang sitwasyon natin sir. Kahit naman di ka OFW at karaniwan ka lang na empleyado, mayroong mga "workplace" na matindi talaga ang pulitika. Naranasan ko din ng mag abroad ako dati, kasama mo ng Pinoy ilalaglag ka pa....
Bakit nga ba ang Pinoy, kung sino pa ang mga magnanakaw siya pang ibinoboto sa pwesto..
Dasal na lang talaga at pananalig sa taas ang kailangan natin...
Maraming salamat sa ibinahagi mong kwento sir
Bakit nga ba ang Pinoy, kung sino pa ang mga magnanakaw siya pang ibinoboto sa pwesto..
Dasal na lang talaga at pananalig sa taas ang kailangan natin...
Maraming salamat sa ibinahagi mong kwento sir
Re: Share ko lng! Para sa ating mga OFW
OT:
siguro mga frustrated na OFW nagsusulat ng ganito. di lang masabi sa mga kamaganak.
ano yung bakala?

at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.
ano yung bakala?
Re: Share ko lng! Para sa ating mga OFW
reyknow wrote:OT:
siguro mga frustrated na OFW nagsusulat ng ganito. di lang masabi sa mga kamaganak.at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.
ano yung bakala?
"bakala" pare ang tawag sa sari sari store dito sa saudi.
Akala kasi nila porket abroad ka eh mayaman kna.. hindi lng nila alam ang hirap ng pinag dadaanan ng bawat pinoy na malayo sa pamilya.. kung maayos lng sana ang pamamalakad sa bansang ating sinilangan.. di sana tayo kailagan lumayo at mag trabaho sa ibang bayan.. kailagan kaya mag babago ang bayan ni juan..
engel_hg- CGP Newbie
- Number of posts : 124
Age : 43
Location : Sa lupa na aking sinilangan, PILIPINAS
Registration date : 06/07/2009
Re: Share ko lng! Para sa ating mga OFW
ah yun pala yun kala ko typo
anyway, tingin ko nangyayari yan kasi lahat tayo meron mentality na "the grass is greener on the other side". and by tayo i just dont mean filipinos, tao in general.
parang example yung pilipino gusto sa US kasi malamig dun. tapos yung US citizen gusto sa pinas kasi mainit dun. parang ganun.

reyknow wrote:ah yun pala yun kala ko typo
anyway, tingin ko nangyayari yan kasi lahat tayo meron mentality na "the grass is greener on the other side". and by tayo i just dont mean filipinos, tao in general.
parang example yung pilipino gusto sa US kasi malamig dun. tapos yung US citizen gusto sa pinas kasi mainit dun. parang ganun.
master kinopya ko lang to,,matagal na files ko na to,,kinalkal ko lang,he2
one9dew- CGP Apprentice
- Number of posts : 817
Location : M.E./G.T.C./I.N./I.S.
Registration date : 06/03/2010
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum