Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Howl

2 posters

Go down

Howl Empty Howl

Post by Guest Thu Mar 18, 2010 2:21 pm

Balik Organic modeling ako ngayon,walang magawa tambay kasi kaya naisapan kong mag zbrush, mga 1 taon at 3 buwan na kong di nakapag zbrush ngayon lang ulit nakahawak eh hindi pa sana kasi inaantay ko yung zbrush 4,
3.5 R3 yung ginamit ko dito.

minodel ko muna yung base mesh sa maya ,3676 polys(image 1) tapos dinala ko sa zbrush.
sa zbrush na ko nag uv layout/unwrap gamit yung uv master na plug-in.
tapos binalik ko sa maya para ayusin ng konti yung uvs medyo di ko nagustuhan yung pag unwrap ng zbrush siguro mga 15 minutes ko inedit,wala pa kasing 1 minute pag sa zbrush ka ng unwrap yun nga lang mahirap kontrolin yung seams.

tapos sinimulan ko na mag sculpt,nung matapos ako magsculpt at nakagawa na ko ng displacement map at normal map inexpot ko siya as .ma (maya ascii) merong option ngayon na ganun sa 3.5 , kaya pag bukas ko ng maya nakaayos na lahat, naka connect na yung disp at nomal map sa material ng mesh.(default blinn)
tapos inimport ko yung lighting set up na ginawa ko meron akong tutorial nun sa maya section dito.
yung lighting set up na yun ok para sa render ng normal map at displacement map.

tapos nirender ko siya na pinapakita yung wires (image 2)

pagkatapos nun nirender ko ulit siya sa settings na makuha yung lahat ng details ng sculpt ko sa zbrush pero mga 75%
lang yung napalabas ko sa render sa maya at hindi ko na alam pano ko yun susolusyunan. (image 3)
yung nipples at kuko at skin pores at yung ibang detalye ng muscles at veins di na nakita.imomodel ko na lang siguro ng hiwalay yung mga kuko ,yung ngipin at mata tempory lang yung nasa renders, magdadagdag ako ng malaking pangil .unedited yung dalawang renders.

next step na gagawin ko eh gagawan ko siya ng armor at weapon.excited na din ako mag polypaint.iniisip ko pa kung maxon bodypaint o zbrush poly painting ang gagawin ko.
ang balak kong sunod na project dito eh photorealistic na babae wala pa kasing nakakagawa nun na pinoy kaya susubukan ko.sino kayang maganda?
Salamat ^__^

Howl 79061238

Howl 25953173

Howl 98617817

Guest
Guest


Back to top Go down

Howl Empty Re: Howl

Post by reyknow Thu Mar 18, 2010 2:55 pm

parang familiar yung wireframe, di ko lang masabi kung san ko nakita
reyknow
reyknow
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 673
Age : 38
Location : Paranaque. Philippines
Registration date : 16/02/2009

http://www.reyknow.deviantart.com

Back to top Go down

Howl Empty Re: Howl

Post by Guest Thu Mar 18, 2010 3:13 pm

@ reyknow malamang sa zbrush, yung model dun yung ginawa kong reference ng topology kung di ako nagkakamali "average man" yun may nagsabi kasi sakin na yun ang perfect na lines nung nagaaral pa ko ng katawan kaya nakasanayan ko na,

ganyan din wires ko kahit sa babae, lumang model to.
Howl 15833494

Guest
Guest


Back to top Go down

Howl Empty Re: Howl

Post by reyknow Thu Mar 18, 2010 5:21 pm

hehe kaya pala, maganda rin yung free mesh ng zbrush. ginamit ko rin yung average man dati kaso niretopo ko kasi sa sadami ng edges sa may bandang daliri eh.
reyknow
reyknow
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 673
Age : 38
Location : Paranaque. Philippines
Registration date : 16/02/2009

http://www.reyknow.deviantart.com

Back to top Go down

Howl Empty Re: Howl

Post by romanredice Fri Mar 19, 2010 1:45 am

Pwede mo siya lagyan ng mentalrayDisplaceApprox node para mapalabas mo lahat. Medyo curios lang ako, kung may displacement map ka na, bakit kailangan may normal map pa? kasi masyado babagal ang render mo nyan LOL. Usually kasi paghighres model maganda normal map para magpadagdag detail but displacement map naman para sa medyo lowres or pwede rin sa highres na kailangan lumabas talaga sa silhouette yung detail sa mesh. Tanong lang baka may technical reason ka na at pwede maadapt hehe. Since you have your normal map plugged into your bump node already, you can find the JSnormal mapper node sa net para makapag add ka pa ng bump map. Irerender nya muna yung normal map tapos irerender nya on top yung bump. Ganda ng model! hehe.
romanredice
romanredice
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 110
Age : 38
Location : Naga
Registration date : 19/10/2009

Back to top Go down

Howl Empty Re: Howl

Post by Guest Fri Mar 19, 2010 2:20 am

@Man, sinubukan ko na yung mentalrayDisplaceApprox ,nahihirapan kasi ako timplahin yung alpha gain at alpha offset sinubukan ko na din gumamit ng expression para mabalance silang dalawa
=file.alphaGainx-.5 pero lalong lumalo sumabog yung model.

yung issue naman tungkol sa pinagsamang normal map at disp map wala lang yun man experiment lang hahahahaha epekto na din ng kamangmangan.
yung nasabi mo naman tungkol JSnormal ttry kon yan, salamat man.

Guest
Guest


Back to top Go down

Howl Empty Re: Howl

Post by romanredice Fri Mar 19, 2010 2:52 am

Ito usually gnagamit ko sa settings ng ng mentalrayDisplaceApprox.

Howl 21828785

Regarding sa Alpha Gain and Alpha Offset. Ang Alpha Offset ay palagi dapat kalahati ng Alpha gain pero in negative decimal. Kunwari ang Aplha Gain mo ay 0.100, dapat ang Alpha Offset mo ay -0.050. Paggnawa mo 0.200 dapat yung isa -0.100. Try mo bagubaguhin yung settings. Usually ang range na nakukuha ko based sa paggamit ko ng displacement map ay from 0.050, -0.025 to 0.200, -0.100.

ito link sa JS normal mapper

http://www.pixero.com/downloads_maya.html

haha, ganon ba? ok lang yun. Maganda naman kinalabasan ng sinama mo LOL


Last edited by romanredice on Fri Mar 19, 2010 3:56 am; edited 1 time in total (Reason for editing : forgot the image link)
romanredice
romanredice
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 110
Age : 38
Location : Naga
Registration date : 19/10/2009

Back to top Go down

Howl Empty Re: Howl

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum