Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

DALOY by Ron Sapinoso

+3
3DZONE
mammoo_03
bokkins
7 posters

 :: General :: Tambayan

Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty DALOY by Ron Sapinoso

Post by bokkins Wed Sep 02, 2009 2:06 am

Guys, check nyo tong gawa ni ron. Leave a comment sa youtube page nya if you can. 2thumbsup

https://www.youtube.com/watch?v=keKx9NOaT2w&feature=channel_page
bokkins
bokkins
Special Ops
Special Ops

Number of posts : 10369
Registration date : 18/09/2008

Http://bokkins3d.blogspot.com/

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty Re: DALOY by Ron Sapinoso

Post by mammoo_03 Wed Sep 02, 2009 4:02 am

ganda, great talent sir, astig!!! thanks for sharing sir boks!!!
mammoo_03
mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 45
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty Re: DALOY by Ron Sapinoso

Post by 3DZONE Wed Sep 02, 2009 4:59 am

Kakaiba talaga si Sir Ron...saludo talaga ako sa yo 2thumbsup

TFS bro boks Very Happy
3DZONE
3DZONE
Cube Spinner
Cube Spinner

Number of posts : 3834
Age : 49
Location : Abu Dhabi U.A.E.
Registration date : 20/12/2008

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty Re: DALOY by Ron Sapinoso

Post by bokkins Wed Sep 02, 2009 6:22 am

oo bro! malupit talaga si Ron! Sana manalo to, entry yata to nila sa cinemalaya. di ko lang sure though. thumbsup
bokkins
bokkins
Special Ops
Special Ops

Number of posts : 10369
Registration date : 18/09/2008

Http://bokkins3d.blogspot.com/

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty Re: DALOY by Ron Sapinoso

Post by ronsapinoso Wed Sep 02, 2009 9:42 am

salamat mga bro!
ronsapinoso
ronsapinoso
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 71
Age : 49
Location : imus, cavit
Registration date : 26/12/2008

http://rmsgentlewind.multiply.com/

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty Re: DALOY by Ron Sapinoso

Post by cooldomeng2000 Wed Sep 02, 2009 9:49 am

Sad, sad, movie....
the real lesson learned, Remember but Let-go and Move-on

Thanx
cooldomeng2000
cooldomeng2000
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 260
Age : 52
Location : Riles ng Tren
Registration date : 22/04/2009

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty Re: DALOY by Ron Sapinoso

Post by pedio84 Wed Sep 02, 2009 10:03 am

nakakaiyak Sad . nice film
pedio84
pedio84
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1421
Age : 40
Location : ozamiz, dubai,ksa,doha
Registration date : 09/11/2008

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty Re: DALOY by Ron Sapinoso

Post by ronsapinoso Wed Sep 02, 2009 7:39 pm

Masasabi kong sa lahat ng aking mga kaibigan ay naiiba si Abet. Eriberto Concepcion ang tunay niyang pangalan. Para sa akin si Abet ay isang henyo. At kakaiba sya sa lahat ng mga henyo dahil sya lang ang henyong walang natapos na obra.

Grade three lang sa elementarya ang natapos ni Abet. Huminto siya ng pag-aaral hindi dahil sa walang kakayanan ang kanyang magulang na pag-aralin siya kundi dahil sa naisip ni abet na mas matalino pa siya sa nagtuturo sa kanya. OO, grade three lang ang tinapos ni Abet ngunit marunong syang magpinta, maggitara, magviolin, magpiano, kumuha ng larawan, umukit at humubog ng iskultura, magkumpuni ng computer, ng vhs, vcd, at dvd. At marunong din syang umarte. at makikita mo ang kanyang pag-arte sa karamihan ng aking short films. At dahil nga minahal nyang lahat ang mga sining na ito ay napabayaan nya rin ang bawat isa. Para siyang isang pulitiko na maraming minamahal na babae... dahil sa mahal nya lahat kinulang din ang pagmamahal dahil sa nahati na ito sa maraming bahagi.

Nakilala ko si Abet noong huling bahagi ng dekada 80. Sikat ang kanyang pangalan sa mga taong nakakaunawa ng sining. Nagkita kami sa isang inabandonang kulungan ng baboy. Sinadya ko siya doon habang iniimprentahan nya ang mga T-shirt na gagamitin sa kampanya ng isang pulitiko. Nagkakwentuhan kami. Naarok ko ang kanyang lalim. At naging kaibigan ko sya.

Noong ika-walo ng Agosto sa paghampas ng alas dies ng umaga dumating sina Julius Roden at Maribelle Gallardo sa aming bahay na dala ang kanilang napakagandang HD camera. Alas otso ng umaga ang usapan ngunit alas dies sila dumating... Ano pa nga bang aasahan ko sa tipikal na Pinoy...Halos lahat yata sa lahing ito ay nalalasing sa tunog ng orasan... Mahal ko ang pagawa ng pelikula.... ngunit iniisip ko kung paano pagagandahin ang isang pelikula sa loob ng walong oras? Noon ko lang nakita si Maribelle at noon din lang aarte si Abet nang may dialogue. Naisip ko... Madugo ito...

Sinulat ko ang maikling script ng "DALOY" tatlong araw bago ang aming shoot. Sinabi sa akin ni Abet na saulado na raw ang mga linya. Ang sabi ko, "ok, good!" ... Pero sa tingin ko mas kilala ko si Abet kaysa kanyang sarili.

Magaling sa photography si Abet. Sa tingin ko sa lahat ng kanyang talento ay dito sya angat. kaya nga sa sobrang bilib ko sa kanya ay sa kanya ko pinaubaya ang pagkuha ng larawan sa aking kasal. madramang kumuha si Abet ng larawan. Maganda ang timpla ng kulay at liwanag. Ngunit nang matapos ang aming kasal... tatlong pirasong larawan lang ang ibinigay nya sa amin. kinalma ko ang galit ng aking misis. ilang buwan ding di nagpakita si abet matapos ang insidente. Nang bumalik sya wala na sa amin ang lahat.

Maraming nagagalit kay Abet sa ugali niyang iyon... tumatakas sa mga resposibilidad na tinanguan. Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit di ko magawang magalit sa kanya sa mahabang panahon.. Hindi ko maintindihan na sa tuwing magkakaroon kami ng alitan nagagawa ko syang tanggaping muli.

Siguro dahil nauunawaan ko ang kanyang kalungkutan. Matipid si Abet sa pagkukwento tungkol sa kanyang pag-ibig. iniiwas nya ang usapan sa tuwing magtutungo sa bagay ng puso ang talakayan. Ang hindi nya batid ay naaarok ko ang kanyang pangungulila.

Sa haba ng mga daang nalakbay naming dalawa... malalim kong nakilala si Abet. Isang maliit na tao na may malumanay na boses. Malalim mag-isip at may kakaibang pananaw sa mundo. marami syang obra na hindi natatapos. Marami syang balak na hindi nasisimulan... marahil... naisip ko... kulang sya sa yakap ng isang magandang dalaga.

Nang banggitin sa akin ni Julius na gusto nyang sumali kami sa Cinemanila... naisip ko kaagad ang isang drama... kwento ng isang musikero na nangungulila sa pag-ibig ng kanyang sinta.... isang kwentong malapit kay Abet. isang pelikulang para kay Abet.
ANG YAKAP NG ISANG MAGANDANG DALAGA SA ISANG KULIMLIM NA MAGHAPON

Isinulat ko ang script na ang kapakanan ng aking kaibigan ang nasa isip ko. Nais kong maranasan nya ang yakap ng isang magandang dalaga. Bayad ko sa mga panahong iginugol ni Abet para sa akin bilang isang kaibigan.

At sa isang kulimlim na maghapon ng ika walo ng Agosto, natikman ng aking kaibigan ang sa tingin ko'y kaunaunahang yakap ng isang magandang dalaga.
ronsapinoso
ronsapinoso
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 71
Age : 49
Location : imus, cavit
Registration date : 26/12/2008

http://rmsgentlewind.multiply.com/

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty Re: DALOY by Ron Sapinoso

Post by ronsapinoso Wed Sep 02, 2009 7:42 pm

" alt="" />
ronsapinoso
ronsapinoso
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 71
Age : 49
Location : imus, cavit
Registration date : 26/12/2008

http://rmsgentlewind.multiply.com/

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty AN INDIE FILM BY A CGP GUY WITH CP

Post by ronsapinoso Wed Sep 02, 2009 7:49 pm

support this film please.... https://www.youtube.com/watch?v=keKx9NOaT2w&feature=channel_page

Post by ejaysola Wed Sep 02, 2009 8:33 pm

master ron lufet!!!!!! hippie galing......
ejaysola
ejaysola
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 46
Age : 38
Location : pasig city
Registration date : 13/08/2009

Back to top Go down

DALOY by Ron Sapinoso Empty Re: DALOY by Ron Sapinoso

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 :: General :: Tambayan

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum